nakatingala at tinatanaw
ang ilaw na mapanglaw
napapatanong at nag-uusisa
sa ilalim ng mapang-akit na mga tala
tila isang nakayakap na lilim
sa gabing binalot ng dilim
naririnig mo ba ang hiling
at ang aking mga daing
sa bawat ugoy ng nakahuhumaling na hangin
mapanlinlang ang katahimikan ng takipsilim
rinig ko ang hiyaw ng nagdurusang puso
natapos na , tinapos na ang huling yugto
“tahan na” awit ko sa aking sarili
nakasanayan na ang pagtitimpi
sa ayaw at gusto ay mananatili
ikaw at ikaw lang ang tinatangi